Tayo Habang Delubyo

Chelsea Joy Serezo Hindi ko inaasahang aabot sa ganito— ilang dipa ang pagitan nililisan ang nakasanayang tagpuan, nananatili na lamang sa tahanan, tila magkakalayong bituin sa kalawakan. Ang totoo, nahihirapan akong magsakripisyo. Hangga’t maaari, ayaw ko sanang mapalayo sa’yo— ngunit sumasagi sa aking isipan ang ilang nakararanas ng kalbaryo. Kung tutuusin, maliit lang namang sakripisyo, continue reading : Tayo Habang Delubyo

Naaalala ko ang Bukas

Xavier Axl Roncesvalles Sinasabing ang kape ay gamot sa lason ng mga panaginip. Ang mainit na tubig ang kumakalabit sa nalihis na kaluluwa pabalik sa sintunadong awitin ng lungsod, habang ang pinong arabica ang kumakalikot sa mata upang ito’y masanay sa miyural ng mga kupas na pasilyo at patong-patong na papel. Ngunit ang higit na continue reading : Naaalala ko ang Bukas

Panahon ng Sakuna

Radney Ranario Tahimik na litanya ng takot ang mahahabang kalsadang nilisan ng mga paa. Bawal ngayon ang pagkislot. Kung liglig ng ligalig, manatili sa bahay. Pangangahas bawat lakad, pagsupil sa kaba ng dibdib, paghamon sa iwing buhay. Parang pagpapatiwakal o alinmang malapit doon na ‘di mo mapangalanan. Sinisikap mong ikubli sa maskara ang sikad ng continue reading : Panahon ng Sakuna

Sa Panahon ng Ligalig (tatlong tula ng panalangin sa panahon ng pandemya)

Chum Ocenar Panalangin Wala nang tahimik na kalsada ngayon. Binagtas na natin ang bawat daan; Sumuot sa makikitid na sulok ng agam-agam Hanggang sapitin ang pintuan ng walang katiyakan. Sa ating pagkapiit, may dagim ng ligalig ang kisame; Gabi-gabing pagbabadya ng unos Na buhos ay pagkatigatig sa kahimbingan ng malay. At sa nakasanayang alimpungat, iuusal continue reading : Sa Panahon ng Ligalig (tatlong tula ng panalangin sa panahon ng pandemya)

Isang Tanghali, Pagmumuni sa Bintana Habang Tinatanaw ang Lungsod

Paul Joshua Morante Nakagigimbal ang katahimikan ng lungsod Hungkag ang mga terminal Pantalan, paliparan, bahay sambahan Inabandonang paslit ang lansangan Wala ang mga nagmamadaling yabag Ng mga komyuter Nangungulila ang aspaltadong kalsada Sa salimbayan at ingay ng mga sasakyan Tahimik ang dating rumaragasang bagon Na tumutudla sa kahabaan ng EDSA Nakatanod na balyan ang araw continue reading : Isang Tanghali, Pagmumuni sa Bintana Habang Tinatanaw ang Lungsod

ARAW-ARAW SA PANAHON NI COVID-19

Winston C. Gallo Hindi natutulog ang pagkabahala. Nakikiramay ito sa mga namatayan, Humihigop ng mainit na kape at sinasawsaw ang matigas na tinapay para manatiling dilat. Sinasabayan nito ang mga pigil na hiyaw, sigaw at hagikgik ng mga nanalo at natalo sa pusoy. Nananatiling sariwang bulaklak ito sa harap ng kabaong, hindi na kailangan ng continue reading : ARAW-ARAW SA PANAHON NI COVID-19

Mapa ng Pagsibol

Ralph Lorenz Fonte At pagkatapos ng mga bangkay ay pagsibol sapagkat matabang lupa ang lahat ng katawan na inuka ng ubo at ginapas ng punglo at nagdagta ng dahak at dugo. Sa mga madlang-puntod nagiging mga paso ang mga basag na bungo; ang pagkaagnas ay isa lamang uri ng paghinga. Muli, lumulukso na sa mga continue reading : Mapa ng Pagsibol

Pitong Couplet para sa Quarantine

Geraldine Flores-­‐Ingco Ayuda Blues Sumubok gumawa ng cake ang artista Walang nakuha ang mason na ayuda *** Kasabihan Ang masipag, may paraan Ang tamad, magdadahilan *** Missing Person Magparamdam ka sa amin, mahal na Kapitana Kailangan na ba naming tumawag ng spiritista? *** Tipaklong Ang bongga ng kanyang Christmas Now, abangers sa sardinas *** Liqour continue reading : Pitong Couplet para sa Quarantine