Aisee Paguio Cruz

Sayang yung hakbang,
Minadali,
Masyadong mabilis,
Walang daplis.

Sayang yung ngiti,
Hindi napansin,
Hindi natingnan,
Kahit di dapat hingin.

Sayang yung kaway,
Kahit sa malayo,
Tanaw parin,
Abot ng paningin.

Sayang yun tinig,
Hindi dininig,
Masasayang himig,
Gadyet lang maghahatid.

Sayang, sayang,
Lalo yun haplos, hawak, halik,

Sayang, sayang,
Yun yakap, akay, alalay, akbay,
Tapos… tapos–
Yun buhay…
Dumaan…
Pinadaan…
Dinaanan lang…
Natapos…
Kinapos—
Ng hininga,
Niyakap ng sakit,
Nahaplos ng pait…

Tanging panalangin,
Ang maghahatid,
Sa tao,
Sa abo,
Sa alabok,
Sa anak,
Ng Ama,
At sa buong sansinukob.