Chelsea Joy Serezo

Hindi ko inaasahang aabot sa ganito—
ilang dipa ang pagitan
nililisan ang nakasanayang tagpuan,
nananatili na lamang sa tahanan,
tila magkakalayong bituin sa kalawakan.

Ang totoo, nahihirapan akong magsakripisyo.
Hangga’t maaari,
ayaw ko sanang mapalayo sa’yo—
ngunit sumasagi sa aking isipan ang ilang nakararanas ng kalbaryo.
Kung tutuusin, maliit lang namang sakripisyo,
ang hindi ka makita ng isang linggo.
Panghahawakan ko na lang
na walang magbabago.

Madalas kang magpakita sa aking balintataw,
ipinamamalas mo ang iyong husay sa pagsayaw.
May pangamba akong samahan ka sa entablado,
baka kasi alaskahin mo ang aking galaw nang todo.

Ewan ko kung positibo lang ako,
ngunit sandali lang naman siguro ito.
Sa ngayon,
gagawin ko muna ang lahat ng gusto ko.
Mangangarap.
Maghihintay.
Mananalangin tayo ng sabay.
Hanggang muling magkahawak ang ating kamay.

 

Tayo Habang Delubyo tells a story of someone who holds on to the promise of her lover in the midst of great uncertainty and internal discord. At the back of her mind, she views today’s situation as an obstacle to her romantic relationship, but she realizes soon that the situation is bigger than them and the rest of the world. I am inspired by my best friend who wants to see her boyfriend amidst the lockdown period, but her concern for others prevails.